hut in the web

ang aking bahay kubo, kahit munti...

More About Me...

ang blog na 'to ay naglalaman ng mga personal na experience sa mga kabalintunaan ng nakakasalamuhang tao o institusyon.

Another Tit-Bit...

iniisip ko pa kung anong ilalagay dito

Profriends and its quality service

March 21, 2011 umuwi ako ng Pilipinas at pinuntahan ang Profriends Head Office sa Mandaluyong para i-follow-up ng personal ang problema ko sa napakagandang trabaho nila sa unit ko sa Montefaro.
Sa kabutihan ng kanilang serbisyo at napaka understanding at professional na pagtanggap ay ni hindi ko man lang ako hinarap ng officer ng Move-In department. Imagine, after 9 months ng una akong nagreklamo ni hindi man lang ako hinarap. At ang sabi sa email na ipinadala ko sa kanila ay hindi nila natanggap. Sinong ang ginagago nitong mga 'to?

Ayun, ibinigay ko na lang ang printout ng email ko.. At talagang hindi ako hinarap ng kahit na sino (except sympre sa front desk).

Ang sabi daw ng officer eh tatawagan nalang ako after 3 weeks. Ibinigay ko ang number ko sa abroad at ngaun nga, 4 weeks na wala paring tawag. Mga )#$ talaga mga to. Akala ko yung mga engineer lang sa Montefaro, yun pala hanggang head office walang kakwentakwenta ang serbisyo.

0 comments:

Post a Comment