hut in the web

ang aking bahay kubo, kahit munti...

More About Me...

ang blog na 'to ay naglalaman ng mga personal na experience sa mga kabalintunaan ng nakakasalamuhang tao o institusyon.

Another Tit-Bit...

iniisip ko pa kung anong ilalagay dito

Sagada trip

Dec 5, 6 at inabot ng 7, my high schoolmates went to sagada, mt. province.. sarap dun malamig hindi katulad dito sa manila na puro init - init ng araw, sasakyan, ulo, mukha, singit, lahat mainit.. amf!

pano pumunta sa sagada via baguio?
ayun punta ka sa baguio, tas sa Dangwa terminal may bus dun going to sagada - GL Bus ung sinakyan namen.. every 2 hours may stop over..from baguio 2 liko lang hanggang sagada, liko sa kanan, liko sa kaliwa for 6 hours.. ahehe

maraming guest house sa sagada, may fone dun cguro before going there tawag muna for reservation.. sosyal nga dun may internet cafe samantalang sa province namen wala.. amf.. walang tindang yelo sa sagada wag kang umasa..

anong meron sa sagada?
looonnnggg and winding (windang) road, parang paulet ulet lang ang dinadaanan.. hanging coffin, kabundukan ng sierra madre xmpre.. falls at ang porno cave.. porno yan tingnan mo mga pictures.. ganda sa cave, pag pumasok ka dun magdasal ka na na wag uulan baka magka flash flood at wag lilindol.. gudlak pag nanyari un.. lalim nung cave siguro mga 15 floors ng isang gusali ang lalim nun..

pagkain?
may kamahalan ang mga pagkain, 120 - 150 per meal sa mga resto..pang city ang presyo.. sa George Guest House kami nag stay.. dun na rin kami kumakain mejo mura dun at marami ang serving.. masarap din un tinola con karne de hulog.. amfotah bloody pa ung karne tapos nung kinukuha para lutuin ulet nahulog..amf.. hinugasan na lang derecho pa rin sa kalan..

temperature?
di ko alam ang eksakto basta kelangan ng heater paliligo..



3-DAY SAGADA TRIP ITENIRARY

Dec 05 – Dec 07

Day 1 | December 5 (Friday night)
09:30pm - 10:00pm - Assembly at Victory Liners Cubao Terminal
10:30pm - 05:00am - Manila to Baguio

Day 2 | December 6 (Saturday)
05:30 am - 12:00 nn - Baguio to Sagada
12:00 nn - 12:30 pm - Lunch
12:30 pm - 1:00 pm - Registration; Check-in at George Guest House
01:00pm - 05:00pm - Echo Valley, Hanging Coffins, Underground River, Bokong waterfalls
05:00pm - 08:00pm - Buruial Cave, Sumaging Cave
08:00pm - 09:00pm - Dinner at Log/Alfred’s Cabin

Day 3 |December 7 (Sunday)
04:00am - 06:00am - Kiltepan Trek; View of Sunrise over the rice terraces (depending on the weather)/ Bomod-ok Falls
07:00am - 08:00am - Breakfast at Lemon Pie House
08:00am - 12:00nn - Mt. Ampacao Trek via Lake Danum
12:00pm - 12:30pm - Lunch
12:30am - 01:00pm - Buying of Souvenirs
01:00 pm - 7:00 pm - Sagada to Baguio
8:00 pm - 2:00 am - Baguio to Manila


Expenses:
P480.00 - Baguio - Sagada to Baguio | GL Bus
P900.00 - Manila - Baguio to Manila | VL Bus
P200.00 - 1-night accommodation at George's Guest House;
P10.00 - Environmental Fee; Municipal
P10.00 - Registration Fee; Bomod-Ok
P1,200.00 - Tours; Guide Fees + Transportation
__________
P 2,790.00

0 comments:

Post a Comment