hut in the web

ang aking bahay kubo, kahit munti...

More About Me...

ang blog na 'to ay naglalaman ng mga personal na experience sa mga kabalintunaan ng nakakasalamuhang tao o institusyon.

Another Tit-Bit...

iniisip ko pa kung anong ilalagay dito

Mt. Pinatubo adventure

Last Sunday, September 14, umakyat kami ng Pinatubo kasama ko ang mga alumni ng SOM. Bale 16 kami lahat pero ung iba friendship ni binx at jesse. At 2am we left Cubao - maginaw. Malamig pala sa aircon bus lalo na pag nakasando lang. :D At 4am we were already at Capas. Jeep papuntang (diko alam kung anong lugar un, basta andun ung 4x4 na sasakyan papuntang bulkan). Masarap sa 4x4, kahit lubak lubak at batuhan eh naka 60kph yata si manong driver. After 4o minutes or so, nasa jump off na kami. Saktong nagliliwanag start na ng trek. Madali lang naman puro lakad lng sa batuhan. Ilog kasi yun, yun ung dinaanan ng lahar nun pumutok ung bulkan. Bale 9am nasa crater na kami.

Ayun, kunting pahinga, kain tapos bumaba kami sa mismong crater. Malamig ang tubig taliwas sa inaasahan ko na mainit. May kabahuan nga lang pero di masyado. Bigla ang lalim ng lawa. 2 meters pa lang sa pampang eh ampos-tao na kagad. Kaya ayun sa gilid lang kami. Mahirap ng mapariwara. :D Gusto sana naming mamangka eh ang kaso wla namang ung bantay ng bangka dun. Nakapadlock kaya di nmen magamit. At 12nn bumaba na kami. Maulan. Mas lalong madali ang pagbaba, syempre!

Nung nasa around 300 - 400 meters na lang bago dumating sa iniwan nmeng 4x4, akalain ba namang sabihin ni manong guide na magpahinga muna at hintaying humina ang agos ng tubig. Mejo lumakas kasi at delikado raw. Sabi ko naman eh kaya nmeng tawirin un, ska kung magtatagal pa eh mas lalong lalakas ang agos dahil umulan nga sa bundok. Pero ayun naghintay nga kami, hinintay narin namen ung iba nmen kasama. After 1.5 hours, tama ang aking hinala na mas lalakas nga ang agos, around 4pm narin so kelangan ng talagang umuwi. Alalay sa mga kababaihan at madadala ng agos.

Alas 5pm andun na kami sa naghihintay ng jeep. Ang shower ay 100 pesos sa malansng tubig. ampoohtah. Sinulet ko nln sa paghuhugas at pagtatanggal ng buhangin sa aking sapatos.

1030pm na ako nakarating sa bahay.

0 comments:

Post a Comment