
paksyet na anay

Security for Microsoft Visual Basic .NET ($44.99)
C# Programmer's Cookbook ($44.95)
Nuong nakaraang Lunes, nilantakan ng pesteng anay yung mga libro ko. Ang mamahal pa naman nun at mahirap makahanap ng ganung libro sa Pilipinas. Higit sa lahat yun na nga lang ang natatangi kong kayamanan (ahem), inubos pa ng mga paksyet.
Nabili ko ang dilaw na aklat (For Dummies) habang ako'y nag-aaral pa lamang sa kolehiyo. Samantalang ang dalawang aklat ng Microsoft ay nakuha ko bilang premyo sa isa sa mga dinaluhan kong Microsoft Developers Network event sa Makati. Ang kabuuang halaga ng tatlong libro ay umaabot sa 113 dolyar.
Hindi ko maintindihan kong baket nabubuhay sa mundo ang mga pesteng katulad ng anay, ipis, langaw, daga at iba pang peste kasama na ang mga pesteng tao.
Nuong ako ay anim na taong gulang pa lamang, napilitan kaming gibain ang aming bahay dahil nilantakan ng mga anay ang haligi ng aming tahanan. Nagpagawa kami ng bagong bahay ngunit tumagal lamang ito ng labingsiyam na taon. Unos at at anay ulet ang umubos sa mga kahab-an ng aming bahay. Sa dami ng perwesyong hatid ng mga insektong katulad ng anay baket pa nabuhay ang mga ito?
leche talaga yang mga anay na yan. ang dami ko ring libro na niyari ng mga yan. hehe!
Ey, add mo naman yung bago kong blog -
Anak ni Edring
http://anakniedring.wordpress.com
Salamat.
oist...wag masyadong manggalaiti...swa-swanget ka nian...bwahahah!!!...okei lang yun mayaman ka naman eh...hehehe!!!just dropping by...trip ko lang magcomment ngaun...